The “Sweldo can buy happiness.” Sticker Set
-
Regular Price
-
₱180.00
-
Sale Price
-
₱180.00
-
Regular Price
-
Sold Out
-
Unit Price
- per
- Regular Price
- ₱180.00
- Sale Price
- ₱180.00
- Regular Price
- Unit Price
- per
Get your hands on Tita Witty's #relatemuch jokes with this sticker set! Pwedeng idikit sa notebook, sa laptop, sa desk o kahit saan mo gusto—hindi kita pakikialamanan.
The “Sweldo can buy happiness.” Sticker Set contains ten 3x3 inch paper stickers:
- Manhid na yata ako. Hindi ko naramdaman sweldo ko.
- Dati akala ko gusto kong yumaman. But now that I’m older and wiser, sure na ‘ko.
- Noon, kapag sweldo, para ‘kong tumama sa lotto. Ngayon, para kong tumama sa poste.
- Kapag parang hindi mo na kaya ang pagod at stress, manalig ka lang sa espiritu ng payday.
- ‘Di sa pagyayabang pero 5% lang ng sweldo ko ang ginagastos ko ‘pag payday. ‘Yung 95%, nagastos ko na the previous week.
- Noon, ang pinakanakakakilig sa'kin na three words ay "I love you". Ngayon, "May sweldo na".
- Noon, ang idea ko of a perfect date ‘yung basta kasama siya. Ngayon, basta date ng sweldo.
- Uy, may sweldo na. Uy, ubos na.
- Goal ko talagang maka-save this year kaya naman sa dami nang tiniis kong hindi bilhin, meron na ‘kong P152.33.
- Paid all my bills today and I’m so proud to say may natira pang P11.28.
O ano'ng nagpapa-kabag sa'yo?
Pwede rin ba siyang maging ninang?
Witty Will Save the World, Co. or Tita Witty for short (at para feeling close tayo) has been creating cute and fun stationery products since 2009 for the humor-loving Pinoy na gusto na lang itawa ang pagod sa buhay.
Tita Witty’s first ever product, The “I-was-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-but-I-got-fat-on-the-10th-frappe” Planner 2010 was an unexpected hit and unintentional business venture, making the founders think there was room for witty journals na nagta-Tagalog. Tama naman ang akala nila kaya sinundan nila ito ng ibang paper products gaya ng nostalgic na slumbook, wedding guest book, calendars, notepads, sticky notes, at stickers. Gumawa na rin si Tita Witty ng tote bags, shirts, at storybook. She hopes someday she can produce her own hardware and automotive lines, para maiba naman.
Suma-sideline din si Tita Witty bilang clown sa social media kahit wala siyang mukha. You may have seen one of her viral posts pero kung hindi, okay lang. It's not your fault, I understand. Masakit pero tatanggapin ko.
Speaking of tanggap, tumatanggap din si Tita Witty ng brand collabs. She has worked with Grab, Manulife, Max's, Lifefood, GCash, Hapee, Lazada, and Globe Business among others. She can work with your brand on social media posts or brand merch giveaways, or kung gusto mo lang paabangan sa kanto 'yung ex mo.
Write to her anytime at tita@witty.ph!