The Corporada Life Notepads
-
Regular Price
-
₱90.00
-
Sale Price
-
₱90.00
-
Regular Price
-
Sold Out
-
Unit Price
- per
- Regular Price
- ₱90.00
- Sale Price
- ₱90.00
- Regular Price
- Unit Price
- per
Gusto mo ba ng cute? Ng nakakatawa? Ng hindi masyadong maliit? Gusto mo dumerecho na ‘ko sa point ko para hindi kung saan mapunta usapan na ‘to? Then these Corporate Ladder Eme Notepads are perfect for you!
Each colorful notepad features a well-loved relatable work joke by Tita Witty kaya sapul na sapul kayo ng officemates mo.
5x5 inches ang size nito kaya pwede mong sulatan ng list ng Noisy, Standing, at Not Listening sa meetings.
Alam kong sa sobrang cute nito, ayaw mong sulatan, pero may 50 sheets naman kaya huwag ka nang manghinayang!
Choose from 10 designs:
- Lord, kahit po mahina ako sa math, okay lang pong dumami ang pera ko. Kaya ko pong bilangin ‘yun.
- Kapag nasa katwiran, i-undertime mo.
- Competitive ang salary ko. Ako ang kinakalaban niya.
- Huwag mong ipagpabukas ang kaya mong i-cram next week.
- Kapag naiinis ka sa trabaho, just remember lahat ng pinagsasabi mo nung interview.
- Okay na sa’kin ‘yung work na kahit sobrang laki ng sweldo, basta wala masyadong ginagawa.
- Kung magiging superhero ako, I’d choose to be Super Yaman.
- Kaya pala payroll ang tawag kasi pagkakuha nung pay, gugulong na ulit palabas ng account.
- Pwede na ‘kong mag-resign as soon as dumating ‘yung offer sa’kin na maging Disney princess.
- Ma’am hindi po ako makakapasok bukas kasi ayoko.
Get them at ₱90 each or all 10 designs for only ₱790. Save ₱110!
Ano'ng bumabagabag sa'yo?
Pwede rin ba siyang maging ninang?
Witty Will Save the World, Co. or Tita Witty for short (at para feeling close tayo) has been creating cute and fun stationery products since 2009 for the humor-loving Pinoy na gusto na lang itawa ang pagod sa buhay.
Tita Witty’s first ever product, The “I-was-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-but-I-got-fat-on-the-10th-frappe” Planner 2010 was an unexpected hit and unintentional business venture, making the founders think there was room for witty journals na nagta-Tagalog. Tama naman ang akala nila kaya sinundan nila ito ng ibang paper products gaya ng nostalgic na slumbook, wedding guest book, calendars, notepads, sticky notes, at stickers. Gumawa na rin si Tita Witty ng tote bags, shirts, at storybook. She hopes someday she can produce her own hardware and automotive lines, para maiba naman.
Suma-sideline din si Tita Witty bilang clown sa social media kahit wala siyang mukha. You may have seen one of her viral posts pero kung hindi, okay lang. It's not your fault, I understand. Masakit pero tatanggapin ko.
Speaking of tanggap, tumatanggap din si Tita Witty ng brand collabs. She has worked with Grab, Manulife, Max's, Lifefood, GCash, Hapee, Lazada, and Globe Business among others. She can work with your brand on social media posts or brand merch giveaways, or kung gusto mo lang paabangan sa kanto 'yung ex mo.
Write to her anytime at tita@witty.ph!