Sticker Set

The “When I was young, I never needed any funds.” Sticker Set

Regular Price
₱180.00
Sale Price
₱180.00
Regular Price
Sold Out
Unit Price
per 

Only 0 left!

Get your hands on Tita Witty's #relatemuch jokes with this sticker set! Pwedeng idikit sa notebook, sa laptop, sa desk o kahit saan mo gusto—hindi kita pakikialamanan.

The “When I was young, I never needed any funds.” Sticker Set contains ten 3x3 inch paper stickers:

  1. O kay sarap bumalik sa panahong ang kinakatakot ko lang ay malista sa Noisy at Standing.
  2. Kumusta na kaya ‘yung classmates kong may 64 crayons noon? Gumugulong na kaya sila sa sa gold at silver ngayon?
  3. Noon, kapag late umuwi, cleaners. Ngayon, kapag late mag-log off, single.
  4. Akala ko ba paglaki ko pwede ko nang gawin kahit anong gusto ko? Bakit hindi ako pwedeng matulog nang work hours?
  5. Sana pwede kong ibalot sa cotton at powder ‘yung pera ko para manganak.
  6. Dapat aside from lutu-lutuan at bahay-bahayan, naglaro din tayo ng bayad-bayaran ng bills.
  7. O kay sarap bumalik sa panahong ang hiling ko lang ay Japan flag ang makuha ko sa UN para madaling i-drawing.
  8. Generous ako magbigay ng stars sa reviews kasi ayokong matulad sila sa’kin na ayaw bigyan ng star ni teacher nung Kinder.
  9. ‘Yung mga nagpapa-rush ng trabaho ‘yun ‘yung mga 9 PM magsabi sa nanay nila na kailangan nila ng Oslo paper sa 7 AM class nila the next day.
  10. Hindi ko sure kanina kung okay lang na kumain ako ng cake pero naisip ko deserve ko naman kasi nag-jump rope ako nung Grade 1 ako.

The “When I was young,...

Regular Price
₱180.00
Sale Price
₱180.00
Regular Price
Sold Out
Unit Price
per 

Ano'ng bumabagabag sa'yo?

O ano'ng nagpapa-kabag sa'yo?
Who’s Tita Witty?

Pwede rin ba siyang maging ninang?

Witty Will Save the World, Co. or Tita Witty for short (at para feeling close tayo) has been creating cute and fun stationery products since 2009 for the humor-loving Pinoy na gusto na lang itawa ang pagod sa buhay.

Tita Witty’s first ever product, The “I-was-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-but-I-got-fat-on-the-10th-frappe” Planner 2010 was an unexpected hit and unintentional business venture, making the founders think there was room for witty journals na nagta-Tagalog. Tama naman ang akala nila kaya sinundan nila ito ng ibang paper products gaya ng nostalgic na slumbook, wedding guest book, calendars, notepads, sticky notes, at stickers. Gumawa na rin si Tita Witty ng tote bags, shirts, at storybook. She hopes someday she can produce her own hardware and automotive lines, para maiba naman.

Suma-sideline din si Tita Witty bilang clown sa social media kahit wala siyang mukha. You may have seen one of her viral posts pero kung hindi, okay lang. It's not your fault, I understand. Masakit pero tatanggapin ko.

Speaking of tanggap, tumatanggap din si Tita Witty ng brand collabs. She has worked with Grab, Manulife, Max's, Lifefood, GCash, Hapee, Lazada, and Globe Business among others. She can work with your brand on social media posts or brand merch giveaways, or kung gusto mo lang paabangan sa kanto 'yung ex mo.

Write to her anytime at tita@witty.ph!

Customer Reviews

No reviews yet
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
>