The Lord, Please Give Me Money na Lang Calendar 2025
-
Regular Price
-
₱300.00
-
Sale Price
-
₱300.00
-
Regular Price
-
Sold Out
-
Unit Price
- per
- Regular Price
- ₱300.00
- Sale Price
- ₱300.00
- Regular Price
- Unit Price
- per
Forget inspirational quotes—nandito na ang kalendaryo na puro motivational jokes!
Magiging makulay ang taon mo with Tita Witty's Lord, please give me energy to work tomorrow. Or pwede rin po, give money na lang. Calendar 2025 with monthly motivational jokes like:
- May mga meeting na dapat gawing email pero may mga email na dapat gawing suntukan.
- Kung hindi ako magiging Disney princess, okay na ‘ko kahit maging Teletubby na lang.
- Noon, pangarap ko maging VP. After years of hard work, VP na ako: Very Pagod.
- Ayoko ng Live, Laugh, Love. Ang gusto mag-Leave, Lunch, Log-out.
O 'di ba, sisipagin ka talaga!
Specifications:
- 5x5 inches (maliit nang konti kaysa dati pero mas mura rin!)
- Spiral bound
- C2s paper sheets (parang karton, kasintigas ng business card)
Get it bundled with the Planner para tipid. Order now para sipagin ka na!
Ano'ng bumabagabag sa'yo?
Pwede rin ba siyang maging ninang?
Witty Will Save the World, Co. or Tita Witty for short (at para feeling close tayo) has been creating cute and fun stationery products since 2009 for the humor-loving Pinoy na gusto na lang itawa ang pagod sa buhay.
Tita Witty’s first ever product, The “I-was-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-but-I-got-fat-on-the-10th-frappe” Planner 2010 was an unexpected hit and unintentional business venture, making the founders think there was room for witty journals na nagta-Tagalog. Tama naman ang akala nila kaya sinundan nila ito ng ibang paper products gaya ng nostalgic na slumbook, wedding guest book, calendars, notepads, sticky notes, at stickers. Gumawa na rin si Tita Witty ng tote bags, shirts, at storybook. She hopes someday she can produce her own hardware and automotive lines, para maiba naman.
Suma-sideline din si Tita Witty bilang clown sa social media kahit wala siyang mukha. You may have seen one of her viral posts pero kung hindi, okay lang. It's not your fault, I understand. Masakit pero tatanggapin ko.
Speaking of tanggap, tumatanggap din si Tita Witty ng brand collabs. She has worked with Grab, Manulife, Max's, Lifefood, GCash, Hapee, Lazada, and Globe Business among others. She can work with your brand on social media posts or brand merch giveaways, or kung gusto mo lang paabangan sa kanto 'yung ex mo.
Write to her anytime at tita@witty.ph!
Salamat sa inyong lahat