Please Repeat it Again Once More
July 27 2017 – Carmen Angela Nuque
Redundancy - the act of using a word, phrase, etc., that repeats something else and is therefore unnecessary
Tayong mga Pinoy, mahilig talaga tayo sa paulit-ulit na mga salita. Loka-loka, aga-aga, ingay-ingay, gabi-gabi, buhat-buhat, bukol-bukol.
Tayong mga tanga, mahilig sa paulit-ulit na mga gawain. Magcha-chat, aasa, kikiligin, iiwan, iiyak, repeat.
Tayong mga tamad, mahilig sa pauli-ulit na pangako. Magda-diet na ako, mage-exercise na ako, magtitipid na ako, matutulog na ako nang maaga.
Tayong mga fans, mahilig sa paulit-ulit na palabas, pelikula, at kanta. Manonood ng reruns ng Friends nang mga walong beses at tatawa pa rin kahit alam na ang punchline, pakikinggan ang latest song ni Ed Sheeran nang mga 50 beses o hanggang mag-mental breakdown ka (whichever comes first), panonoorin ang Inception for the nth time dahil hindi pa rin talaga maintindihan ang nangyayari, nakaka-miss tuloy ang mga araw na Romeo and Juliet at Titanic pa lang ang mga pelikula ni Leo, hindi mahirap maka-relate.
Kaya naman siguro mahilig din tayo sa redundant phrases, dahil talagang kulang kapag isa lang. Here are some examples:
- “Ipikit mo ang mga mata mo.” Baka kasi siko mo ang ipikit mo, mainam na ‘yung malinaw.
- “Umakyat ka sa taas.” Please, huwag na huwag kang aakyat sa baba. May mumu doon.
- “Ulitin mo ulit.” So bale tatlong beses na, ‘no?
- “Magsuklay ka ng buhok.” Well, technically pwede rin namang kili-kili ang suklayin. If you know what I mean. I mean, effective na pangkamot ang suklay.
- "Pumasok na tayo sa loob." Kapag pumasok ba ako sa labas, makakalabas pa ‘ko sa loob? Or will I be in a dream within a dream? OMG, maiintindihan ko na ba sa wakas ang Inception?!
-
And my all-time favorite:
- “Pwede bang magtanong?” Gusto kong malaman kung may sumagot na ba dito ng “Hindi.”
May madadagdag ka ba sa list? Tell me in the comments below!
XOXO,
Tita Witty
64 comments
sDcKVwrodSE
hzMdHoIrJ
HZJoXThjiDAsPyV
spohcUazK
PRoNeOajMcI
gRXArshc
cgQnWjfEotYbOZA
mtFhaXlKikA
HAxqljOXQugB
DHhVlgSpTnUM
wGzuDegkMq
XsoBnEHpvm
JpIcGRMswAedO
QakYKCsPyRbne
clhmfjACE
ugZfEjIQ
WIFXVMepqEAdg
WGQYvXsS
iklrPcownqyCXdW
tvFKHTfgWjyce