Product Description
Get your hands on Tita Witty's #relatemuch jokes with this sticker set! Pwedeng idikit sa notebook, sa laptop, sa desk o kahit saan mo gusto—hindi kita pakikialamanan.
The “When I was young, I never needed any funds.” Sticker Set contains ten 3x3 inch paper stickers:
- O kay sarap bumalik sa panahong ang kinakatakot ko lang ay malista sa Noisy at Standing.
- Kumusta na kaya ‘yung classmates kong may 64 crayons noon? Gumugulong na kaya sila sa sa gold at silver ngayon?
- Noon, kapag late umuwi, cleaners. Ngayon, kapag late mag-log off, single.
- Akala ko ba paglaki ko pwede ko nang gawin kahit anong gusto ko? Bakit hindi ako pwedeng matulog nang work hours?
- Sana pwede kong ibalot sa cotton at powder ‘yung pera ko para manganak.
- Dapat aside from lutu-lutuan at bahay-bahayan, naglaro din tayo ng bayad-bayaran ng bills.
- O kay sarap bumalik sa panahong ang hiling ko lang ay Japan flag ang makuha ko sa UN para madaling i-drawing.
- Generous ako magbigay ng stars sa reviews kasi ayokong matulad sila sa’kin na ayaw bigyan ng star ni teacher nung Kinder.
- ‘Yung mga nagpapa-rush ng trabaho ‘yun ‘yung mga 9 PM magsabi sa nanay nila na kailangan nila ng Oslo paper sa 7 AM class nila the next day.
- Hindi ko sure kanina kung okay lang na kumain ako ng cake pero naisip ko deserve ko naman kasi nag-jump rope ako nung Grade 1 ako.