You can now have Tita Witty’s #relatemuch work jokes right in your hands with this sticker set!
The Office Drama Sticker Set comes in ten 3in x 3in stickers:
1. Papasok ako sa trabaho. Hindi ko lang alam kung sasama ‘yung utak ko.
2. Always be polite. Instead of saying “Huwag kang bida-bida.”, say “Please, huwag kang bida-bida.”
3. Nagtatampo sa‘yo résumé mo. Naaalala mo lang daw siyang i-update kapag naiinis ka sa trabaho mo.
4. Kapag stressed ka, magbakasyon ka. Pagbalik mo, refreshed na ‘yung stress mo.
5. Hindi lahat ng nage-email kapag holiday, masipag. ‘Yung iba, annoying.
6. I need 1 grande cappuccino with 2 pumps of sipag and 3 shots of wag-nyo-na-kong-isama-sa-meeting-para-may-magawa-akong-iba.
7. Hindi porke in a relationship, mas masaya kaysa sa mga single. Pare-pareho lang tayong tinatamad pumasok kapag Monday.
8. Kapag marami akong gagawin at mukhang hindi aabot sa deadline, I use a system–the Nervous System.
9. Kailangan mong magtrabaho. Hindi ka nanalo sa lotto.
10. Kapag may officemate kang nagpapa-rush ng trabaho kahit siya ang late, be professional. Sabihin mo sa kanya, “Neknek mo.”