The “Sana ‘yung iniwan kong trabaho kahapon, naglibot tapos hindi na bumalik. Meeting Pad (Blue)

Sold Out

Product Details

Your most-liked Tita Witty jokes about the masalimuot corporate world now come in a meeting pad! Sure akong sisipagin kang mag-notes kapag ito ang gamit mo sa meetings. Conversation-starter pa kapag awkward na dalawa pa lang kayo sa meeting room at napag-usapan n’yo na ang weather at traffic. Hindi ko nga lang kayang i-promise na hindi rin lilipad ang utak mo during the meeting.

This Meeting Pad has 10 alternating designs na uulit 10 times kaya total of 100 sheets. Hirap na hirap ako sa math na ‘yan. Below are the featured jokes in the BlueMeeting Pad. (May Pink Meeting Pad din, featuring a different set of jokes.)

  1. Sana ‘yung iniwan kong trabaho kahapon, naglibot tapos hindi na bumalik.
  2. Ginawa ko na nga trabaho ko, kailangan pa matapos?! 
  3. Noon, gusto kong malaman ang calling ko. Ngayon, gusto ko na lang malaman kung pumasok na ‘yung sweldo.
  4. Para exciting ang meeting, kapag tinanong ka ng “Do you see my screen?” sabihin mo, “Yes, but I don’t want to look at it.”
  5. Kapag nasa katwiran, i-sick leave mo.
  6. Kung kaya nila, eh ‘di sila gumawa.
  7. I’m a multi-tasker. Kaya kong ma-stress while procrastinating.
  8. Sana may mag-send ng link ng motivation para pumasok bukas.
  9. Di sa pagyayabang pero hindi ako nag-iiwan ng trabahong hindi tapos. Inuuwi ko sila.
  10. Bago ka lumipat ng trabaho, ask yourself, “Sure ka? Worth it ba ‘yan ng kahihiyan mo sa pagsayaw sa Christmas party?” 

Size: A5-ish. Slightly smaller than your regular notebook nung grade school ka.

  • Who's Tita Witty?

  • Reviews

View More