The “Masarap ang cake pero mas masarap ang long weekend.” Meeting Pad

₱280.00

Quantity

Product Details

Tita Witty’s well-loved jokes about the masalimuot corporate world now come in a meeting pad! Siguradong sisipagin kang mag-notes kapag ito ang gamit mo sa meetings.

Matatanggal din ang inis mo kapag sobrang haba na ng meeting at wala ka nang ibang nagawa for the day.

Kailangan mo nga lang pigilan ang tawa mo lalo na kung may ibang nagsasalita para hindi ka mukhang not listening.

This Meeting Pad has 10 alternating designs na uulit 10 times kaya total of 100 sheets. My math teacher would be so proud.

Size is about as big as an A5 notebook—meaning kasinlaki ito ng regular notebook natin nung elementary tayo. Kung ibang size ang gamit sa school n’yo, o kung magkaiba tayo ng panahon, ito na lang: 5.83 x 8.27 inches. Bahala ka na sa ruler.

Below are the featured jokes in the Peach Meeting Pad. (Meron ding Blue, Peach, at Pink Meeting Pads, each featuring a different set of jokes.)

  1. Hindi ako masyadong mahilig sa K-Drama kasi for me mas entertaining ang office drama.
  2. Most embarrassing moment noon: Malaman ni crush na crush mo siya. Ngayon: Malaman nung kasunod mo sa ATM kung magkano na lang laman ng account mo.
  3. Kung ayaw mo sa bida-bida, that makes you a kontrabida-bida.
  4. Puro na lang "Bakit wala ka pa ring boyfriend?" Wala bang magtatanong sa'kin ng "Pera o bayong?"
  5. If I had a choice sa working hours kung 9-6 o 7-4, mas gusto kong hindi pumasok.
  6. May mga gustong magtrabaho nang maaga, 'yung iba naman, late. Ako, personally, mas gusto kong hindi magtrabaho.
  7. Noon, para 'kong lalagnatin kapag nabasa ng ulan. Ngayon, kapag Sunday night.
  8. The two most important days in your life are the day you were born and the day you find out may sweldo na pala.
  9. 'Di sa pagyayabang pero maaga akong mag-start mag-procrastinate.
  10. Masarap ang cake pero mas masarap ang long weekend.
  • Who's Tita Witty?

  • Reviews

View More